Welcome
Welcome to Iglesia ni Cristo Forum

This Forum is created for several purpuses to share every Ideas/Opinion and make new best buddies Online specialy inside members of the church of christ or Iglesia ni Cristo. Always have fun and Enjoy!

Post your convert Stories here

Moderator: megumi noriko

Post your convert Stories here

Postby iglesianicristo » Tue Sep 22, 2009 12:43 am

convert stories to the iglesia ni cristo is important in how our life before has changed and living a new life that really is in the gods words.
Famous Bible Verses: 31

"For in much wisdom is much grief, and increase of knowledge is increase of sorrow."
Ecclesiastes 1:18

Iglesia ni Cristo
Church of Christ
Iglesia ni Cristo Forum wrote:Iglesia ni Cristo Forum
User avatar
iglesianicristo
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 228
Joined: Sat Sep 05, 2009 10:26 am
Location: Philippines
Religion: Iglesia ni Cristo
Locale: Mandaue

 

Re: Post your convert Stories here

Postby Grangiriz21 » Fri Nov 20, 2009 1:42 pm

iglesianicristo wrote:convert stories to the iglesia ni cristo is important in how our life before has changed and living a new life that really is in the gods words.


hello im one of the converted member of INC, i just want to have a new friend na mga kadiwa kasi ayaw ko n bumalik sa dati kung nkasanayang gawin..i know that you can help me.through this :D ..

sobrang dami ang nabago salife style ko simula ng umanib ako sa INC, lalo p nung nadoktrinahan ako at ngyn ang araw ng final screening ko.
halos lahat ng nakasanayan kong gawin nong katoliko pa ako, lahat yun nawala ng parang bula at masasabi ko na mashappy ako ngyn sa pag-anib ko sa INC, because of this i see my life in the world of peace and i feel the essents of the true religion. I feel more alive and i could say that im prove to say that im a INC..thanks bro and sis.... more power :P ;) :D
Grangiriz21
Approve Members
 
Posts: 2
Joined: Fri Nov 20, 2009 1:24 pm
Location: taguig
Religion: Iglesia ni Cristo
Kapisanan: Kadiwa
Locale: Local ng UP 1

Re: Post your convert Stories here

Postby Grangiriz21 » Fri Nov 20, 2009 1:44 pm

[flash=][/flash][flash=][mp3][code][/code][/mp3][/flash]
Grangiriz21 wrote:
iglesianicristo wrote:convert stories to the iglesia ni cristo is important in how our life before has changed and living a new life that really is in the gods words.


hello im one of the converted member of INC, i just want to have a new friend na mga kadiwa kasi ayaw ko n bumalik sa dati kung nkasanayang gawin..i know that you can help me.through this :D ..

sobrang dami ang nabago salife style ko simula ng umanib ako sa INC, lalo p nung nadoktrinahan ako at ngyn ang araw ng final screening ko.
halos lahat ng nakasanayan kong gawin nong katoliko pa ako, lahat yun nawala ng parang bula at masasabi ko na mashappy ako ngyn sa pag-anib ko sa INC, because of this i see my life in the world of peace and i feel the essents of the true religion. I feel more alive and i could say that im prove to say that im a INC..thanks bro and sis.... more power :P ;) :D
Grangiriz21
Approve Members
 
Posts: 2
Joined: Fri Nov 20, 2009 1:24 pm
Location: taguig
Religion: Iglesia ni Cristo
Kapisanan: Kadiwa
Locale: Local ng UP 1

Re: Post your convert Stories here

Postby iglesianicristo » Fri Nov 20, 2009 10:39 pm

HELLO,

its nice to have you here Grangiriz21 and warm welcome to our INC forum.
Pls. Post in the proper post forum section. Thanks.



Best Regards,
Famous Bible Verses: 31

"For in much wisdom is much grief, and increase of knowledge is increase of sorrow."
Ecclesiastes 1:18

Iglesia ni Cristo
Church of Christ
Iglesia ni Cristo Forum wrote:Iglesia ni Cristo Forum
User avatar
iglesianicristo
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 228
Joined: Sat Sep 05, 2009 10:26 am
Location: Philippines
Religion: Iglesia ni Cristo
Locale: Mandaue

Re: Post your convert Stories here

Postby ghodhereek » Sat Mar 13, 2010 5:24 pm

Una kong narinig ang tungkol sa Iglesia ni Cristo ay noong nasa Pinas pa ako. Mga 9 years old ako noon nang marinig ko sa mga kaibigan ko na kinakantiyawan nila ang INC at ang natatandaan kong sinabi nila ay "mga Iglesia ni Batman iyan." Di ko naintindihan kung bakit nila pinagtatawanan ang mga INC eh hindi naman sila mga relihiyoso o makita ko man sa simbahan.

Lumaki ako sa isang maliit at mahirap na lugar sa Mandaluyong habang nag-aaral ako sa Don Bosco. Nagisnan ko ang ritual at aral ng katoliko. Noon pa man, nararamdaman kong may kulang sa buhay katoliko. Alam ko ang mga aral, pero bakit walang epekto ito sa buhay ko. Madalas ako sa misa, pero bakit wala akong nararamdaman na may Diyos? Madalas ako sa Don Bosco kahit walang pasok. Minsan, napunta pa ako sa malayong lugar na kung saan ang mga pari o gustong mag-pari for one week. Retreat yata tawag doon. Noong nandoon ako, lalo ako naguluhan. Wala akong makitang relasyon sa ginagawa nila doon para sa pagkatao nila. Doon ko natiyak na may kulang sa aking relihiyon.

Nang napunta ako dito sa amerika noong 15 years old ako, narinig ko ang debate ng isang INC at isang Mormon tungkol sa tunay na Diyos sa aming eskwelahan. Hindi ko pinakinggan lahat dahil wala akong interesado sa aral nila. Pero, isang araw naimbitahan ako sa isang malaking gawain. Pumunta ako at nabigla ako sa kapatiran ng INC. Dito ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahalan. Hindi iyong plastikan. Hindi iyong dudahan. Nagustuhan ko agad ang pagpupunta sa kapilya. Sumama ako sa kaibigan ko para sumamba. Doon sa pagsamba, nabigla ako sa aral. Iyong leksiyon ay tungkol sa kasalukuyang problema ko sa aking pamilya. TBC
ghodhereek
Approve Members
 
Posts: 16
Joined: Sat Mar 13, 2010 3:37 pm
Religion: Iglesia ni Cristo
Kapisanan: Buklod

Re: Post your convert Stories here

Postby converttoinc » Fri Jul 30, 2010 7:36 pm

Sa akin naman po ay aksidente lang,wala sa hinagap ko na ako ay matatawag sa Iglesia ni Cristo,dahil ang paniniwala ko dati si Ka Felix ang kinatuparan ng 666,kaya ang tingin ko noon sa mga kapilya ay may sungay,hehehe! Kaya noon tuwing dadaan ako sa kapilya,hindi po ako tumitingin dahil naniniwala nga ako noon na sa demonyo ang iglesia.

Aksidente na masasabi kasi ang simula ng pagkakatawag sa akin ay nangyari sa Hongkong,way back in 1991.Hapon yun nang magkayaan kami ng barkada ko na manghunting sa "Square Garden" ng maisasama sa disco,matapos naming mag-inuman sa trabaho ko.Itong "Square Garden"ay isang park na tambayan ng mga pinay/pinoy sa Hongkong kung day off nila.

Habang nandoon kami,may naispatan kami na grupo ng mga babae na nakaupo,thursday yon ng hapon nilapitan namin at inayang mag disco at ang sagot naman sa amin ay OO kaya habang nagpapalipas ng oras bago pumunta ng disco ay nagkwentuhan nalang muna kami,heto na po ang siste nung inaaya na namin,ayaw na,syempre may kunting pilitan na,kaya noong nakorner na namin,nagtapat sila na sila ay member ng INC kung kaya't hindi sila pwedeng sumama.

Ang sabi ko kung talagang INC ka,bigyan mo ako ng number ng phone para matiyak ko,dahil nga hindi ako naniniwala na member sila,yung nagbigay sa akin ay mabilis na nagbigay dahil may intesyon pala na isama ako sa pagsamba kinalingguhan.

Sa umpisa po ayaw kong sumama,kasi nga po naniniwala ako na sa demonyo ang INC,pero dahil sa kapipilit ng nag akay sa akin napapayag din ako,pero sa isang kundisyon na pagkatapos ng pagsamba mamasyal kami,hehehe! kaso naisahan ako,bakit kamo? kasi pagkatapos ng pagsamba may bible study pa pala,kaya para magbigay ulit pumasok narin ako sa bible study para sa isip-isip ko ok to gabi ,hapon na makakapamasyal na rin kami pagkatapos,kaso mangaawit pala siya,at pagkatapos ng bible study,siya naman ang wala nang oras kasi nasa ensayo na siya. naisahan ako dun ah!

Pero bago ang bible study,sa pagsamba,napansin ko agad ang kaibahan sa lahat ng nadaluhan ko nang mga relihiyon, may kaayusan may umaalay pag pasok mo,hiwalay ang babae at lalake,heto pa nga ang nakakatawa dahil sa hindi ko nga alam na hiwalay ang babae at lalake papasok sana ako sa pinasukan ng nag akay sa akin para tabi kami hehehe! kaso hindi pala pwede hehehe!
so,nandun na ako sa loob nakaupo,nagustuhan ko ang playing ng organ napaka solemn,pero nakiramdam parin ako,nagmamasid pa ako kung ano ang meron sa INC,inumpisahan ang awit,nagustuhan ko naman,may natandaan pa nga ako na awit noon na naging paborito,na may ganitong umpisa..." Oh,hangad ko'ng maging dapat Sayo aking Ama"

Nagkataon noon na ang topic ay tungkol sa aral ng katoliko,nagreact ako at akmang tatayo at lalabas buti nalang at binulungan ako ng aking katabi na tapusin nalang kasi makaksira ako ng pagsamba,oo nga naman naisip ko na kapansin-pansin ako pag lumabas ako,kasi ang upuan ng mga lalake ay nasa harapan kaya makikita talaga pag nag walk-out kaya minabuti ko na umupo nalang at antayin na matapos ang pagsamba.Napansin siguro na ng aking katabi na offended ako sa paksa,sinabihan ako na kung may katanungan ako,umatend ako ng bible study.
Iyon nga po ang ginawa,ko nung nasa loob na ako ng bible study nagtanong ako na bakit naman pinakikialaman ang aral ng katoliko samantalang ang mga pari hindi naman nakikialam sa aral ng INC sa sa mga pagsimba ng katoliko.Maayos naman po akong pinaliwanagan,at nung matapos ang bible study,kinamayan ako ng ministro at sinabing "balik ka ha" na sinagot ko naman ng "talagang babalik ako" kasi nga po nabitin ako sa aking mga tanong,at iyon po ang simula ng lahat.

Habang nga pala umaatend ako sa INC,patuloy naman akos a aking mga pagdalo sa iba pang pangkatin ng relihiyon,tulad ng Baptist,JW,Mormons,Pentecostal Oneness at trinitarians,at syempre sa mga kaibigan kung nag e-el shaddai. Lahat po sila pinagkukumpara ko noon,may sets of questions ako lagi na pinasasagutan ko sa mga dinadaluhan kong pagtitipon,at nakita ko nga na ang INC ang mas solidong sumusunod sa biblia ang doktrina.

Habang nagpapadoktrina po ako noon may nababasa na ako na panunuligsa sa INC,may mga clipping pa nga ako ng mga atake sa INC na ang iba ay sa dyaryo pa natatandaan ko may dyaryo noon na ang pangalan ay "Ang Bagong Pinoy" at may kolumn na may pamagat na " Tambuling simbahan",pinag-aralan ko at nakita ko na pawang paninira lang sa INC ang mga iyon,at tinalakay doon ang mga doktrina ng INC,at nakita ko na hindi nila matinag ang paninindigan ng INC,paglaon nawala na ang kolumn na yon at pati na rin ang dyaryo.

Dati din akong nag ka-charismatic noong ako nasa High school pa doon ko din napagaralan ang katekismo,tinuruan din kami kung paano magrosaryo,magnobena at iba pang ritwal katoliko.

Marami po akong pag uusig na naranasan sa aking mga kaibigan at barkada noong nalaman nilang ako ay dumadalo na sa INC,at pati noong nalaman nila na ako ay nabawtismuhan na.

Nakapasa po ako sa screening at nabawtismuhan sa Hongkong kasabay ko ang ibang lahi,may itim at intsik ako na kasabay noon.Nabawtismuhan ako noong Mayo 19.1991 at ang nagbawtismo sa akin ay si Kapatid na Emmanuel "Manny" Era na siyang destinado noon sa HK side kasi iba ang lokal ng Kowloon(HK).

Masyado na pong mahaba ang aking kwento tungkol sa aking pagkaka "convert" kaya pansamantalang putulin ko na po dito,baka may masakit na ang mata sa kababasa,hehehe! :lol:
1John 5:20
John 17:1-3
1Tim.2:5
1Cor. 8:5-6



iglesia ni cristo guestbook
User avatar
converttoinc
Approve Members
 
Posts: 418
Joined: Sat Jul 10, 2010 3:03 pm
Location: mizrach
Religion: Iglesia ni Cristo
Kapisanan: Buklod
Locale: isaias 43:5-6

God's calling....

Postby gemlainet » Fri Oct 22, 2010 10:05 am

Ang kwento ko mahaba and hope hindi mabored ang makabasa nito. At first no.1 akong taga usig ng INC dahil ang bestfriend ko nagconvert ng INC sa taiwan kaya inis na inis ako dahil sinasabi ko noon na nagconvert lang sya dahil sa napangasawa nya ang INC.At tingin ko sa halos member ng INC ay mga hipokrita dahil nga pag nasa kapilya parang mga anghel pero paglabas naman ay lumalabas na ang tunay na ugali.Ganun ang pananaw ko sa mga INC at nakapagsalita ako noon na kahit minsan ang hindi ako aanib sa INC dahil nga ayaw ko at galit ako sa INC.So noong napapunta ako ng laguna at dito kami nakapagtrabaho ng best friend ko.may naging kaibigan syang diakonesa.so ang nangyari naging active yung bestfriend ko sa INC at nagkaroon ng tungkulin kaya gabi gabi umaalis sya kasama yung diakonesa,may pulong daw.naiinis ako na lagi nalang syang ganun ay iniiwan ako.so, di nagtagal ay nag start akong iniinvite sa mga pamamahayag,lagi naman akong tumatanggi hanggang sa naging kaibigan ko na din yung diakonesa at komo mabait sya noong isang araw ay naimbita ako na dumalo sa pamamahayag,pinaunlakan ko naman dahil nahihiya ako sa kanya at may edad sakin kaya respeto ko nalang ang pagbigyan sya.ang bestfriend ko hindi nya ako kayang akayin dahil ng alam nya matigas ako.hindi ako nakikinig sa kanya.hanggang naulit yun sa pag invite sakin na dumalo ng pamamahayag..pero hindi lahat ay pinauunlakan ko ang pag anyaya sakin..kaya nung isang araw nagulat nalang ako,isinaman nung kaibigan naming diakonesa yung ministro dito sa calamba.kaya hindi na ako nakaiwas dahil sila ang pumunta sakin,kaya naman nung nag uumpisa na syang magsalita about sa doktrina..pinaulan ko naman ng mga tanong,lahat ng isang katoliko na pweding itanong ay itinanong ko sa kanya kahit alam kong may pagkasarcastic at pilosopo ay itinanong ko,inakala na mauubusan sya ng isasagot sakin.pero hindi eh, patuloy pa din syang nakakasagot sa bawat tanong ko,kaya pamula non ay hindi na ako tinigilan puntahan dito sa tinitirhan ko at dun na pala nag uumpisa ang pagdodoktrina nila sakin.Noong una ang nasa isip ko matapos tapos lang itong doktrina nila sakin ay titigilan na nila ako kaya hinayaan ko lang na idiscuss sakin yung mga doctrina.until pang walong doctrines ay naubusan na akong ng mga tanong at noon ko naisip na manalangin sa itaas.itinanong ko kung nasa tama ang ginagawa ko ay ipatanggap nya sa puso ko yung aral na sinasabi sakin at kung hindi naman ay iiwas nya ako sa mga taong ito.then,nagpatuloy ang doktrina at habang tumatagal ay parang nauunawaan ko na yung itinuturo sakin at hanggang sa nagtagal ay parang gusto ko ng matapos ang doktrina para mabautismohan na ako..so nagpursige akong bumili ng mga palda pangsamba at nag umpisa ng sumamba sa kapilya,then bago palang ako makatapos ng doktrina ay ang dami ng pagsubok na dumating sakin at muntik muntikan na piliin ang material at mga magagandang oportunidad sa buhay ko kaso hindi ko lang maipagpapatuloy ang pagka INC ko,kaso tumubo na sa puso ko ang mga aral at dama ko na ipinatanggap ng nasa itaas ang aral sakin kaya lahat ng mga tukso at pagsubok bago palang ako maging ganap na INC ay nalampasan ko kaya nagtagumpay ako at naging ganap na nga akong INC.ang masarap sa pagiging INC ay yung nagiging matatag ka sa lahat ng mga pagsubok na dumarating sa buhay mo at dahil may inaasahan ka..yun ay ang Ama.na kahit anong mangyari sa mundong ito...ang tanging maasahan lang natin ay ang Ama ang ang ating panginoong jesus.Kaya hanggang ngayon ay nilalabanan ko ang mga tukso at pagsubok na dumarating sa aking buhay.at alam ko inaaalalayan ako ng ating panginoon dahil nakakaya kong umiwas sa tukso.Meron din akong mga hindi kapanipaniwalang karanasan sa pagka INC ko.tulad ng pagdalo ko sa isang pulong ng pangkalahatan ay naramdaman ko ang isang kakaibang pakiramdam sa katawan na parang kinilabutan ako at parang nakaangat sa ere at yung parang may lazer na dumaan sa buong katawan ko na para bang na screen ang buong katawan ko.madami pero hindi ko na maisa isa dahil hahaba pa itong kwento ko.basta ang alam ko ginagawa akong matibay ng ating Panginoon para maging karapatdapat sa kanya at sana nga ay patuloy kong malabanan ang tukso sa buhay ko.Kaya ngayon ang target ko ay ang pamilya ko na akayin sila na umanib sa INC para maging matatag din sila sa faith at may pagkakataon na maligtas pagdating ng paghuhukom.Walang kasing sarap ang maging INC dahil,kahit punong puno ng pagsubok ang buhay ay patuloy akong lumalaban maging karapatdapat lang sa Ama..
User avatar
gemlainet
Approve Members
 
Posts: 3
Joined: Thu Oct 14, 2010 10:11 pm
Location: Calamba, Laguna
Religion: Iglesia ni Cristo
Kapisanan: Kadiwa
Locale: Pansol

Re: Post your convert Stories here

Postby Galdwill » Wed Oct 27, 2010 12:15 am

Hi Gemlainet,

Hope you wouldn't mind if I suggest in next time you will post a thing why won't you make it in a multiple paragraph? nakakaduling kasi since it seems like a wall of text je je je ^__^
http://www.iglesianicristo.net46.net/

iglesia ni cristo forum

You'll lose more than your pride if you don't know what you supposed to do.

iamgaldwill
User avatar
Galdwill
Approve Members
 
Posts: 148
Joined: Mon Sep 20, 2010 11:09 pm
Religion: Iglesia ni Cristo
Kapisanan: Buklod
Locale: Magsaysay

My Convert Story and Troubles

Postby lenardflores1988 » Thu Sep 15, 2011 1:38 pm

Gusto ko bumati sa lahat ng mga kapatid. Sa mga oras na ito nalilito ako kung natutugunan ko ang maayos na paglilingkod sa Ama. Masyadong marami ang nangyayari sa buhay ko ngayon, hindi ko alam pero minsan naiisip ko na parang walang katapusan ang mga pag-uusig sakin ng ating Ama. Pero ang pagbabalik-loob lamang talaga ang alam kong paraan para magkaroon ng kabuluhan ang buhay ko ngayon. Madalas kong ginagawang linawin ang isip ko kung bakit ko nararanasan ang mga pagsubok na dumarating sa buhay ko ngayon. Alam ko naman na isa lamang ako sa mga tao na hindi talaga mapalad magkaroon ng mapayapang buhay.

Ako nga pala si kapatid na Lenard Flores, converted last year. Sa buong angkan namin, ako ang kauna-unahang INC. Kaya hindi na naman siguro kayo magtataka kung sasabihin kong kulot-noo ang kahit na sino sa mga kamag-anak namin sa tuwing malalaman nilang ako ay converted at isa nang Iglesia ni Cristo. Marami na akong narinig na comment, at karamihan ay di gaanong kagandahan pakinggan. Ano nga ba ang masama sa pagiging isang INC? Yan ang madalas kong naiisip tuwing nakakarinig ako ng mga pagtututol sa naging desisyon ko. Narinig ko ang turo, at tiwala ako na sapat na maging dahilan yon para maging isang INC. Sa Iglesia bawat pagsamba, makakapulot ka ng mga paraan kung paano ka haharap sa mga hamon at kung paano magiging matatag sa buhay.

Ako ngayon ay nagbabalik-loob, sa kadahilanan na ako ay napanghinaan ng pananampalata sa Ama. Simula November, 2010 ay hindi na ako naging aktibo sa pagsamba at nagsimula akong gumawa ng mga bagay na karaniwang ginagawa ng "tagasanlibutan". Sa mga oras na yon, halos hindi sumagi sa isip ko ang pagtawag sa Kanya. At sa mga oras na yon ay nagbunga ang mga ginawa kong pagkakasala. Ako po ngayon ay mayroong 6 na buwan taong gulang na anak sa aking naging kasintahan. Sa ngayon ay pilit kong tinutugunan ang aking responsibilidad sa aking anak. Subalit sa sitwasyon ko na wala pang napapatunayan sa buhay, wala akong maibigay sa anumang pangangailangan niya. Kaming pamilya ngayon ay nasa puder ng aking kapatid. Maayos naman ang turing sa amin ng aking ate pero para sa ibang tao, kaming pamilya ay inihahambing sa bato na pasanin ng aming ate. Isa pang napakasakit sakin ay ang taong halos ibigay mo ang lahat dati ay basura ang turing sa akin ngayon.

Sa lahat ng nararanasan ko ngayon, alam ko na ang pagbabalik na pananampalataya sa kanya at ang pagbabalik sa pagsamba ang tanging paraan para manatiling matatag. Bagamat alam ko na marami akong naging pagkakasala magmula ng mawala ako sa Iglesia, tatanggapin ng Ama ang aking pagsisisi na naging mahina ang pagtitiwala ko sa Kanya.

Sa ngayon ay naitala na ang ina ng aking anak at ako naman ay magbabalik loob sa oras na siya ay maging kapatid na sa pananampalataya. Sisimulan ko ang pag-aayos ng aming buhay sa pamamagitan ng paglilingkod sa Ama. Gusto ko rin na mamulat ang aking anak na may takot sa Ama at may malakas na pananampalataya sa Kanya.

Bagamat sa mga naririnig naming mga opinyon ng iba, hindi galit ang aming isasaisip kundi ang pagnanais na makasama sila sa Iglesia balang araw.

Salamat po...
lenardflores1988
Approve Members
 
Posts: 1
Joined: Thu Sep 15, 2011 12:15 pm
Religion: Iglesia ni Cristo
Kapisanan: Kadiwa
Locale: Marilao


Return to Convert Stories

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

suspicion-preferred